Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga bus terminal sa Cubao, Pasay at Maynila, ngayong bisperas ng May 09 elections.
Sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, kanya-kanyang diskarte ang mga pasahero upang makasakay sa mga bus.
Ang problema, sa dami ng mga province-bound passengers, kakaunti lamang ang mga bus.
Kaya hirit ng ibang mga pasahero, i-refund na lamang ang kanilang mga bayad lalo kung hindi matiyak ng bus operators na mayroong available na mga bus.
Sa EDSA Cubao naman, pila-pila rin ang mga pasahero na pauwi sa mga lalawigan.
May mga nakaposte naman police help desk sa mga terminal upang magbigay ng ayuda o assistance sa mga pasahero.
Ang May 9 ay deklaradong isang special non-working holiday, batay sa Proclamation No. 1254 na pirmado ni Pangulong Noynoy Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.