QC LGU, nagtatag ng pet welfare and adoption center

By Angellic Jordan November 08, 2021 - 02:40 PM

Nagtatag ang Quezon City government ng isang adoption center para sa mga na-impound at napabayaang hayop.

Ito ang kauna-unahang comprehensive approach sa pag-rehabilitate ng mga hayop upang maihanap ng bago nilang matitirhan.

Sa pamamagitan ng Animal Welfare and Rehabilitation Program sa lungsod, isasailalim ang nakuhang pusa at aso sa rehabilitasyon, pagsasanay, at saka papayagang ma-adopt.

Base sa ulat ng City Veterinary Department (QCVD), nakakakuha sa lungsod ng 200 hayo kada linggo o 9,600 walang tirahang hayop sa isang taon.

Sa nasabing bilang, mababa pa sa isang porsyento ang pet adoption rate.

“We will be transforming our existing City Pound into an adoption center to promote animal adoption. The city believes that every animal deserves a loving and caring family, since dogs and cats are known to be good companion animals,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

Magiging pansamantalang tirahan ng aabot sa 60 hayop ang 450-square meter pet adoption center sa Barangay Payatas habang hinihintay na makahanap ng bago nilang pamilya.

Mayroong surgery room ang pasilidad para sa mga aso, pusa at iba pang hayop sakaling kailanganin ang agarang atensyong medikal.

Ihihiwalay din ng kulungan ang mga maysakit na hayop para hindi mahawa ang iba pang malusog na hayop.

Ayon naman kay City Veterinarian Dr. Ana Marie Cabel, bawat hayop ay dadaan sa rehabilitasyon bago ialok mai-adopt.

“Captured dogs and cats not claimed by their owners for at least three days will be up for adoption. With the help of the City Council, we are currently creating the homing and adoption policy for them,” saad nito.

Nakipag-ugnayan na ang QCVD sa Animal Welfare Advocates upang masigurong nakakasunod ang naturang programa sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act.

TAGS: InquirerNews, JoyBelmonte, PetAdoptionCenter, QCLGU, RadyoInquirerNews, InquirerNews, JoyBelmonte, PetAdoptionCenter, QCLGU, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.