Metro Manila, isasailalim na sa Alert Level 2 simula sa Nov. 5

By Angellic Jordan November 04, 2021 - 10:08 PM

Inanunsiyo ng Palasyo ng Malakanyang na isasailalim na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2 simula sa Biyernes, November 5.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbaba sa Alert Level 2 ng Metro Manila simula November 5 hanggang 21, 2021.

Aprubado rin ang rekomendasyon ng sub-Technical Working Group on Data Analytics na gawing basehan ng alert level assignment ang maitatalang datos sa pinakamalapit na petsa kung kailan ipatutupad.

Simula sa December 1, 2021, matutukoy ang alert level assignment sa ika-15 at ika-30 ng buwan.

“Escalations, on the other hand, may be done at any time in the middle of the implementation period as warranted while de-escalations can only be done at the end of the 2-week assessment period,” pahayag ni Roque.

Ipinag-utos din ng IATF sa National Task Force COVID-19, kasama ang Regional Task Forces at Regional IATFs na magbigay ng weekly feedback sa progreso at implementasyon ng Alert Level System.

Ayon pa kay Roque, inamyendahan ng IATF ang mga panuntunan sa implementasyon ng Alert Level System for COVID-19 Response in Pilot Areas upang maging klaro ang maaring galaw ng mga residente.

TAGS: AlertLevel2, AlertLevelSystem, BreakingNews, HarryRoque, IATF, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews, AlertLevel2, AlertLevelSystem, BreakingNews, HarryRoque, IATF, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.