PhilHealth, nangakong babayaran ang utang sa mga pribadong ospital bago ang Disyembre
Nangako ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na babayaran na ang utang sa mga pribadong ospital bago sumapit ang Disyembre.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PhilHealth Spokesman Rey Baleña na hindi tatalikuran ng kanilang hanay ang utang.
Minamadali na aniya ng PhilHealth ang pagpoproseso para mabayaran na ang utang na tinatayang aabot na sa P20 bilyon.
Ginagawa na aniya ng PhilHealth ang lahat ng kanilang makakaya para maresolba ang naturang problema.
Katunayan, pinakilos na aniya ng PhilHealth ang lahat ng resources nito at nagdagdag ng tauhan para agad na mai-release ang pondo.
Kasabay nito, humihingi ng pang-unawa ang PhilHealth kung hindi agad nabayaran ang utang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.