Pangingisda ng galunggong sa Northern Palawan, ipinatigil muna ng BFAR
Pansamantalang isinara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pangingisda ng galunggong sa sa Northern Palawan.
Ayon kay BFAR National Director Eduardo Gongona, tatagal ang closed fishing season mula November 1, 2021 hanggang January 31, 2022.
Partikular na ipagbabawal ng BFAR ang pangingisda gamit ang purse seine, ring net at bag net.
Ayon kay Gongona, ang overfishing, climate change at iba pa ang dahilan kung kaya ipinatitigil pansamantala ang pangingisda ng galunggong.
Nabatid na ito na ang ikapitong taon na nagpatupad ang BFAR ng closed fishing season.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.