Pagbabalik ng parusang kamatayan kailangan masusing pag-aralan – Sen. Ping Lacson

By Jan Escosio November 04, 2021 - 08:18 AM

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na kailangan ay seryosong ikunsidera ng gobyerno ang lahat ng mga panukala para sa pagbabalik ng pagpapataw ng parusang kamatayan sa bansa.

Ibinahagi ni Lacson na nalaman niya na maraming kaso ng maling sentensiya ng parusang kamatayan sa mga ibang bansa.

“Ako nagfi-file lagi ng bill tungkol sa death penalty, pero maraming mga development na ako mismo ngayon ay nagdadalawang-isip. Merong mga true to life stories, accounts sa ibang bansa na nag-execute nang wala palang kasalanan,” sabi ng senador.

Ito aniya ang kanyang dahilan kayat dapat ay masusing pag-aralan muna ng gobyerno kung kailangan talagang isulong ang pagbabalik ng ‘death penalty’ sa Pilipinas.

“Ito yung dapat pag-aralang mabuti. Ano ang mas matimbang, ‘yung magiging biktima ng mga kriminal na talagang notorious o yung isa naming mapaparusahan, makikitilan ng buhay pero after all, malalaman pala na walang kasalanan. Dapat timbangin nating mabuti yan,” sabi ng senador.

Kabilang si Lacson sa mga nagsusulong ng pagbabalik ng parusang kamatayan bunsod ng pagsirit ng mga kaso ng mga karumaldumal na krimen nitong mga nakalipas na taon.

Nais din niya na maisama ang plunder o pandarambong at iba pang uri ng korapsyon o pangungurakot sa mga maaring tapatan ng parusang kamatayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.