Duterte: “Hindi ako aabot sa presidency kung corrupt ako kagaya niyo”

By Chona Yu November 03, 2021 - 03:58 PM

PCOO photo

“Hindi ako aabot sa presidency kung corrupt ako kagaya niyo.”

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong banat kina Senators Richard Gordon at Franklin Drilon.

Ayon sa Pangulo, wala sa kanyang sistema ang pangungurakot.

“Alam mo sa totoo lang Gordon pati Drilon, hindi ako aabot sa presidency — from my mayorship to the presidency kung corrupt ako kagaya ninyo. Kung tumatanggap ako ng mga — p***** i** — ng mga campaign funds diyan sa mga tao na alam ninyo na gumagawa ng kalokohan kasama ‘yung mga miyembro ng Congress,” pahayag ng Pangulo.

Ikinagagalit ng Pangulo ang paulit-ulit na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Gordon sa pagbili ng pamahalaan ng medical supplies sa Pharmally Pharmaceuticals.

“Kayo diyan ang mayroong butas, wala kayong makukuha sa amin. It’s not — it’s not in my system about corruption and money. Ibang bagay siguro masabi mo mayroon akong ano pero hindi sa pera. But my personal life, well, there are some those who would like to criticize me. And as a public official, I have to accept the ‘yung criticisms. Pero kung ‘yang sinasabi ninyong pera ako ang abugado ako, ay sus lumang tugtugin na ‘yan,” pahayag ng Pangulo.

“Alam mo sa totoo lang sabi ko, I would not be President Duterte kung corrupt ako kagaya ninyo,” dagdag ng Pangulo.

TAGS: corruption issue, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, corruption issue, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.