Seguridad at safety measures sa mga pantalan, mahigpit pa rin

By Angellic Jordan November 03, 2021 - 03:43 PM

PCG photo

Kahit tapos na ang Undas 2021 long weekend, mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng Philippine Coast Guard (PCG) ng security measures at safety protocols sa mga pantalan sa bansa.

Sa datos ng PCG hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (November 3), nasa 14,239 ang bilang ng outbound passengers at 13,274 naman ang inbound passengers sa mga pantalan sa bansa.

Nagtalaga ang ahensya ng frontline personnel sa 15 PCG Districts at nag-inspeksyon sa 344 vessels at 367 motorbancas.

Nakataas pa rin sa heightened alert ang districts, stations, at sub-stations ng PCG hanggang November 4 upang ma-control ang pagdagsa ng mga pasaherong pauwi ng probinsya at pagpunta ng mga lokal na turista sa mga tourist destination.

Maaring makipag-ugnayan ang publiko sa PCG sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page o Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729) para sa mga katanungan ukol sa sea travel protocols and regulations sa Undas 2021.

TAGS: InquirerNews, PCG, RadyoInquirerNews, Undas2021, InquirerNews, PCG, RadyoInquirerNews, Undas2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.