Moreno, papayagan nang makapag-caroling ang mga bata sa Pasko

By Chona Yu November 03, 2021 - 01:28 PM

Manila PIO photo

Papayagan na ni Manila Mayor Isko Moreno na makapag-caroling sa Pasko ang mga bata.

Pahayag ito ni Mayor Isko kasabay ng pagbubukas ng mass vaccination kontra COVID-19 sa mga bata na nag-eedad 12 hanggang 17 anyos sa Sta. Ana Hospital sa Maynila.

Ayon kay Mayor Isko, wala siyang ilalabas na ordinansa para pagbawalan ang mga bata na makapamasko.

Nais ni Mayor Isko na sa pamamagitan ng caroling, maramdaman ng mga bata ang diwa ng Pasko at unti-unti nang makabalik sa normal na pamumuhay.

Hindi maikakaila aniya na ang himig ng pag-awit ng mga bata ng mga Christmas carol ang napakasarap sa tainga.

Gayunman, sinabi ni Mayor Isko na kung maari ay hindi payagan ng mga magulang ang mga bata na makapag-caroling para masiguro na ligtas sa COVID-19.

TAGS: Christmas2021, ChristmasCarol, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerNews, Christmas2021, ChristmasCarol, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.