Operasyon ng DFA Consular Office sa Ali Mall sa QC, suspendido

By Angellic Jordan November 02, 2021 - 11:03 PM

Photo credit: DFA/Facebook

Pansamantalang isususpinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Consular Office (CO) NCR-Northeast sa Ali Mall sa Quezon City simula sa November 3 hanggang 5, 2021.

Paliwanag ng kagawaran, ilang tauhan ng CO NCR-Northeast ang tinamaan ng COVID-19 habang ang iba ay tinukoy bilang close contacts.

Magsasagawa ng masusing disinfection sa lugar at susunod sa isolation at quarantine guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases.

Ayon sa kagawaran, makatatanggap ang mga apektadong aplikante ng email para sa rescheduled appointments sa pamamagitan ng email address ng CO: [email protected].

Humingi naman ng pang-unawa ang DFA sa publiko.

TAGS: DFA, InquirerNews, RadyoInquirerNews, DFA, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.