Isang grupo, humiling sa gobernador na huwag makialam sa kaso ng isang konsehal
Humiling ang grupong Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling Inc. kay Quezon province Governor Danilo Suarez na huwag makialam sa mga kasong kinakaharap ni Councilor Arkie Yulde.
Ayon kay Prof. Salvador de Guzman, tagapagsalita ng grupo, dapat dumistansya ang gobernador sa kasong kidnapping at serious illegal detention with rape at child abuse ni Yulde.
Pending pa ‘for trial’ ang kaso ni Yulde sa Rosales, Pangasinan Regional Trial Court Branch 53.
Nagpasalamat naman ang grupo sa hukom dahil sa mabilis pag-aksyong mailipat si Yulde sa BJMP sa Balungao, Pangasinan mula sa detention jail sa Quezon province.
Tumatakbo bilang alkalde sa bayan ng Lopez si Yulde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.