“One Tablet, One Learner bill” solusyon para sa mga problema sa online classes – Legarda
Iginiit ni Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda na dapat suportahan ang mga mag-aaral sa gitna ng COVID-19.
Sa inihaing “One Tablet, One Student Act of 2021” sa Kamara, muling ipinaliwanag ng dating senador na layong mabigyan ang mga estudyante sa elementary, senior high, at college ng gadgets para sa kanilang online classes.
Sa halos 27 milyong estudyante na nakapag-enroll sa mga pampublikong paaralan at 1.6 milyong mag-aaral sa SUCs at LUCs para sa School Year 2021-2022, kinakailangan aniya ang agarang tulong para maka-adapt sa ‘online mode of learning’.
“Students who already have their own personal learning gadgets shall be given educational assistance in the form of an internet allowance to cover the cost of connectivity,” pahayag ni Legarda.
Aniya pa, “We must make sure that our budget, especially amid this ongoing pandemic, is able to cater to our children’s educational needs. This may not be enough, but I believe that this is a good start.”
Una nang sinang-ayunan ng dating senador na isama sa taunang budget ng Department of Education (DepEd) ang allowance ng mga guro sa load o internet service provider para sa online classes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.