BBM ‘best bet’ sa Mindanao-Kalye Survey

By Chona Yu November 02, 2021 - 10:43 AM
Muling pinatunayan ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang dami ng kanyang mga taga-suporta sa Mindanao sa pinakabagong resulta ng Kalye Surveys sa Southern region. Sa isinagawang Kalye Surveys ng Bugwak TV sa Butuan City, Gingoog, Misamis Oriental, at Surigao City, nakakuha si Marcos ng mataas na puntos ng pagsang-ayon mula sa working class bilang ibobotong Pangulo sa halalan sa Mayo 2022. Nilibot ng Bugwak vloggers ang mga lansangan at matataong lugar gaya ng palengke, bus terminal at pasyalan kung saan ipinakita ang mga larawan ng mga kandidato sa pagka-Pangulo at tinanong ang mga tao kung sino ang pipiliin nila para ibotong susunod na Pangulo ng bansa. “Pinaka-da Best sa pagka-presidente ng ating nasyon si Bongbong. Kwalipikado,” pahayag ng isang natanong mga kawani ng gobyerno. “Lahat kami dito, Bongbong. Wala ng iba, Bongbong lang,” sagot naman ng isang security guard na nakatalaga sa ilang pamilihan. “May klarong programa, di lang para sa bayan niya kundi sa buong Pilipinas. May political will. Siya ang pinaka-qualified, hindi lang pansariling interes ang iniisip niya,” pahayag ng isang tricycle driver mula sa Gingoog. Natatanging misyon ni Marcos ang magkaroon ng mapagkaisang lider ang bansa upang gabayan ang pagbangon ng bansa mula sa kasalukuyang suliranin hanggang sa post-COVID-19 kung saan kinakailangan ang pagtutulungan ng bawat isa kasama ang isang lider na may malasakit at kaalaman para sa pagbuo ng programa na magiging solusyon sa hinaing ng bawat Pilipino. Ang resulta ng Kalye survey ay nagpapatibay at pagpapatunay sa resulta ng isinagawang Presidential Preference Survey ng PUBLiCUS Asia Inc. kamakailan kung saan nakakuha si Marcos ng mataas na 62.5 porsiyento ng boto mula sa respondents sa Mindanao

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Kalye survey, Mindanao, news, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., Kalye survey, Mindanao, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.