Plastic barriers sa mga pampublikong sasakyan maaari nang tanggalin
Hindi na kailangan ang plastic barriers sa mga pampublikong sasakyan sa bansa.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Mark Steven Pastor, iiral ang bagong polisiya sa November 4, araw ng Huwebes.
Paliwanag ni Pastor, walang pag-aaral o medical findings na nakatutulong ang plastic barriers para makaiwas na mahawaan ng COVID-19.
Katunayan, sinabi ni Pastor, na maaring kapitan pa ng virus ang mga plastic barriers.
Matatandaang simula sa Novermber 4, papayagan na ng DOTr na taasan ng hanggang 70 percent ang capacity ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.