Mga paalis na Filipino, kailangan ng travel at health insurance – BI
Nilinaw ng Bureau of Immigration ang ipinatutupad na polisiya sa mga paalis na Filipino sa gitna ng travel restrictions sa nararanasang pandemya.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, dadaan ang mga paalis na Filipino sa regular immigration inspection sa international ports.
Noong 2020, kasunod ng resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), inalis na ang pagbabawal sa non-essential travel ng mga Filipino.
“Outbound tourism is allowed for Filipinos, subject to compliance with protocols set by the IATF,” saad nito.
Dagdag ni Morente, kailangan ding magpakita ng outbound Filipino tourists ng round trip ticket, at travel at health insurance para sa COVID-19 na sakop ang panahon ng pananatili sa ibang bansa.
Maliban dito, kailangan ding pumirma ng declaration, kung saan inihayag ang kaalaman sa posibleng panganib na idulot ng biyahe.
Kinlaro rin ni Morente na hindi totoo ang kumakalat na impormasyon online, na ilang brand lamang ng travel insurance ang tinatanggap.
“Such is not the case. Any brand of travel and health insurance, as long as it covers Covid-19 may be used by departing Filipino tourists,” pahayag nito at aniya, “Unscrupulous individuals have been using the name of the BI to sell insurance, hence the need to issue this clarification.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.