4 na PNP-bodyguards ng isang pulitiko arestado sa Bulacan
Bukod sa mga kaso ay posible ring masibak sa puwesto ang tatlong miyembro ng Philippine National Police makaraan silang maaresto na may mga dalang baril habang suma-sideline bilang mga bodyguards ng isang pulitiko sa Bulacan.
Ang mga inaresto ay sina SPO4 Gerald Ruiz, PO3 Arnaiz Aguilar, PO2 Emmanuel Carlos at PO1 John Merle.
Sinabi ni Bulacan Provincial Police Office spokesperson S/Insp. Lynelle Solomon na inaresto ang nasabing mga pulis sa Barangay Kalawakan Donya Remedios Trinidad (DRT).
Unang rumesponde sa lugar ang tropa ni C/Insp. Isagani Santos, Chief of Police sa DRT makaraan silang makatanggap ng tawag mula kay Mayor Ricardo Flores dahil sa pag-iikot ng mga armadong naka-sibilyan sa lugar.
Nang ito’y lapitan ng mga naka-unipormeng Pulis ay kaagad silang nagpakilala na mga tauhan ng PNP at nakatalaga sa Bulacan Provincial Holding Administration Unit.
Mahigpit na ipinagbabawal sa Omnibus Election Code ang pagdadala ng baril kapag panahon ng eleksyon kahit na ang may dala nito ay miyembro ng pulisya o anumang law enforcement agencies ng walang kaukulang Comelec exemption partikular na kung naka-sibilyan.
Inamin din nila na sila’y mga bodyguards ni incumbernt Vice-Mayor Hilario Cruz.
Nakumpiska sa mga pulis ang tatlong M16 rifles at apat na .9mm pistols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.