Pinayagan na ng gobyerno ang mga dentista na maging COVID-19 vaccinator basta’t dumaan sa training.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, tinalakay na ng Professional Regulatory Commission (PRC) at Philippine Dental Association ang posibilidad na idagdag ang mga dentista sa vaccination rollout.
Aniya, ang pinal na rekomendasyon ay payagan ang mga dentista na magsagawa ng pagbabakuna.
Magkakaroon pa rin aniya ng supervisor na medical doctor ang mga dentista para makatulong sa pagbabakuna.
Malaking tulong aniya ito para sa pagpapabilis ng COVID-19 vaccination sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.