Alert Level 2 sa Metro Manila ngayon Nobyembre, posible

By Jan Escosio October 28, 2021 - 12:07 PM

Hindi malayo ang posibilidad na bumaba pa sa Alert Level 2 ang iiral sa Metro Manila sa pagpasok ng Nobyembre sa susunod na linggo.

Ito ang sinabi ni Interior Usec. Jonathan Malaya sa katuwiran niya na patuloy ang pagbaba ng COVID 19 cases sa kapitolyong rehiyon ng bansa.

Binanggit niya na sa nakalipas na dalawang linggo, bumaba ang mga kaso ng 48 porsiyento.

“I would expect maybe in the next month because next week is already November…If this trend continues, we can really look forward to a lowering of the alert level very soon,” sabi nito sa isang panayam sa telebisyon.

Ngunit aniya ang Department of Health at Inter-Agency Task Force ang magdedesisyon sa magigig alert status ng Metro Manila sa Nobyembre

Nabatid na ngayon araw ay may pulong ang IATF ang pag-uusapan ang mga itatalagang alert level maging sa ibang lugar.

Ngayon ay nasa Alert Level 3 ang Kalakhang Maynila at iiral ito hanggang sa Oktubre 31.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.