Arestado ang isang Pinoy na federal security officer makaraan niyang barilin at mapatay ang kanyang sariling misis at dalawang kalalakihan sa Silver Spring Maryland sa U.S
Sa ulat ni Montgomery County Police Chief Thomas Manger, sinasabing isinailalim noong buwan ng Marso sa administrative duties ng federal Protective Service ang suspect na si Eulolio Tordil makaraang makahingi sa hukuman ng protective order ang kanyang misis na si Gladys.
Sinasabing madalas saktan ni Tordil ang mga miyembro ng kanyang pamilya pati na ang kanilang mga anak.
Kahapon ay natiyempuhan ni Tordil si Gladys habang nasa labas ng isang paaralan kung saan nag-aaral ang kanilang mga anak.
Kaagad umano niyang kinompronta ang kanyang misis na nauwi sa pamamaril.
Dalawang lalaki ang nagtangkang humabol kay Tordil pero pinagbabaril din niya ang mga ito na naging dahilan ng kanilang kamatayan.
Sinabi ng mga pulis na hinayaan muna nilang makalayo sa paaralan ang suspect bago nila ito inaresto para maiwasan ang dagdag na casualties sakaling mauwi ito sa isang shootout.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng mga tauhan ng pulisya si Tordil kung saan ay nabawi rin sa kanya ang baril na ginamit sa krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.