Mayor Moreno, nag-order ng karagdagang 40,000 capsules ng Molnupiravir
Nag-order na si Manila Mayor Isko Moreno ng karagdagang 40,000 capsules ng Molnupiravir, ang gamot na anti-COVID.
Ayon kay Mayor Isko, nagpasya ang pamahalaang lungsod na mag-order ng naturang gamot base na rin sa rekomendasyon ni Vice Presidential candidate Dr. Willie Ong.
Nabatid na ang Molnupiravir ay nakatutulong para makaiwas ng 50 porsyento na mamatay sa COVID.
Ayon kay Mayor Isko, gamot at hindi face shield ang sagot sa COVID-19.
“So, kung ito yung mga bagay na makabubuhay sa tao, makapagdudugtong ng buhay ng tao, then I will not spend P4 billion for face shields. That’s P4 billion put to waste, wala namang science,” pahayag ni Mayor Isko.
Sa kontratang nilagdaan ng lungsod, mabibili ang Molnupiravir sa halagang P87.50, bawat kapsula. Mas mababa ito kumpara sa Remdesivir at Tocilizumab.
Ibinibigay ang gamot ng dalawnag beses sa loob ng limang araw sa COVID-19 patients na may mild at moderate symptoms sa pitong piling ospital kabilang na ang Sta. Ana Hospital.
Para makagamit aniya ang ospital, kailangan munang kumuha ng compassionate use special permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.