Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 245.31 milyon
Pumalo na sa 245.31 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 245,310,625 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 46,497,719 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,215,653 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 21,748,984 naman ang kaso sa Brazil habang 8,853,227 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 8,316,019
– Turkey – 7,909,111
– France – 7,133,766
– Iran – 5,877,456
– Argentina – 5,283,000
– Spain – 5,004,143
– Colombia – 4,994,014
– Italy – 4,747,773
– Germany – 4,501,021
– Indonesia – 4,241,090
– Mexico – 3,788,986
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,979,526 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 222,399,916 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.