PNP naghahanda na sa seguridad ng pilot testing ng face-to-face classes

By Jan Escosio October 27, 2021 - 10:26 AM

Siniguro ni PNP Chief Guillermo Eleazar na nakahanda na ang mga pulis na magbabantay sa mga paaralan na kabilang sa pilot testing ng ‘face-to-face classes’ sa Nobyembre 15.

Sinabi nito, nagpalabas na siya ng direktiba sa mga kinauukulang unit commanders na makipag-ugnayan sa mga lokal na tanggapan ng Department of Education (DepEd)  at Commission on Higher Education (CHED) para alamin paano makakatulong ang mga pulis.

“Kasama ang inyong PNP na sumusuporta sa unti-unting pagbabalik natin sa normal at patuloy ding nakatutok ang inyong kapulisan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa hindi lang sa banta ng COVID kundi pati na rin sa ibang banta,” sabi ng  hepe ng pambansang pulisya.

Una nang inanunsiyo ng DepEd na sa buong kapuluan may 90 paaralan ang napili para sa pagkasa ng limatadong balik-eskuwela.

Maari din na sa Nobyembre 22, may 22 private schools ang makasama sa pilot testing.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.