Posisyon sa oil smuggling dapat ipaliwanag ng presidential candidates
Sinabi ng isang transport and commuter safety advocate na dapat ay ipina-aalam sa publiko ng mga kandidato sa pagkapangulo ang kanilang posisyon ukol sa oil smuggling.
Sinabi ni Atty. Ariel Inton, pangulo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, ang oil smuggling ang pangunahing dahilan kaya tumataas ang presyon ng mga produktong-petrolyo.
Ibinahagi nito na ang pinakagarapal na ginagawa ng oil importers, mula sa tanker vessels sa laot ay ililipat nila sa barges ang mga inangkat na produktong-petrolyo bago itatago sa mga isla.
Dagdag pa niya, may mga produktong-petrolyo na naipapasok sa bansa sa pamamagitan ng ‘misdeclaration’ sa Bureau of Customs.
Kayat diin ni Inton dapat ay bantayan ng Department of Finance at Customs Bureau ang pag-aangkat ng mga produktong-petrolyo at langis dahil nakakakolekta sa mga ito ng P131 billion excise tax, bukod pa sa ibang mga buwis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.