Lungsod sa China, ini-lockdown dahil sa anim na bagong COVID 19 cases

By Jan Escosio October 27, 2021 - 08:33 AM

Dahil lamang sa nakumpirmang bagong kaso ng COVID 19, ini-lockdown na ng awtoridad ang lungsod ng Lanzhou sa China.

 

Pinagsabihan na ang apat na milyong residente na hindi sila maaring lumabas ng bahay maliban na lamang sa emergency cases at kung sila ay bibili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

 

Itinigil na rin ang serbisyo ng mga taxi at bus sa kapitolyo ng Gansu province, gayundin sinuspindi ang biyahe ng 70 tren na may ruta sa Beijing at Xi’an.

 

Maging ang mga lipad ng mga eroplano patungo Lanzhou ay pansamantalang sinuspindi.

 

Sa buong China may naitalang 29 bagong COVID 19 cases at hinala ng mga awtoridad maaring lumubo pa ang bilang dahil sa pagpapaigting ng testing.

Simula noong Oktubre 17, 198 kaso ang naitala sa bansa.

Hinihinala na ang mga bagong kaso ay maiuugnay sa mga turista na bumiyahe mula sa Shanghai at nagtungo sa ibat-ibang probinsiya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.