Kalye survey results kay dating Sen. Bongbong Marcos pinagtibay ng PUBLiCUS
Sinuportahan ng resulta ng PUBLiCUS Asia survey ang resulta ng Kalye Survey na nagpapakita ng pangunguna ni dating Senator Bongbong Marcos sa hanay ng mga ‘presidential candidates’ sa 2022 elections.
Sa Metro Manila, 40 porsiyento ang pumili kay Marcos, 55.7 porsiyento naman sa North at Central Luzon.
Sa South Luzon, 38.2 porsiyento ng mga na-survey ang pumili sa kanya, 44.7 porsiyento sa Visayas at 62.5 porsiyento sa Mindanao.
Sa kabuuan, 49.3 porsiyento ang nakuha ng dating senador.
Pumangalawa sa kanya ni Vice President Leni Robredo (21.3%), Manila Mayor Isko Moreno (8.8%), Sen. Ping Lacson (2.9%) at Sen. Manny Pacquiao (2.8%).
Sa naunang inilabas na Kalye Survey, nanguna si Marcos sa pagpili sa kanya ng 1,307, 345 ang kay Moreno at 231 naman kay Robredo.
Pang-apat si Pacquiao sa nakuha niyang 125, si Lacson ay may 89 at si dela Rosa ay nakakuha ng 23 boto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.