Baguio City bukas na sa mga fully vaccinated individuals
Bukas na ang turismo sa Baguio City para sa mga biyaherong fully vaccinated.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kinakailangan na makakuha muna ng approved registration sa pamamagitan ng visita.baguio.gov.ph.
Ayon kay Magalong, para sa mga bata na nag-eedad 12 hanggang 17 anyos, kinakailangan na mayroong negative antigen o RT-PCR test results.
Para sa mga bat ana 11 anyos pababa, kailangan din ng negative antigen o RT-PCR test results na may parent’s consent.
Ayon kay Magalong, bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Baguio City kung kaya binuksan na ang turismo para mapalakas naman ang ekonomiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.