Sarado muna sa publiko ang Dolomite Beach sa Manila Bay sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, ito ay para sa paggunita ng Undas o All Saints’ at All Souls’ Dat.
Kasabay nito, ipinagbabawal na ng DENR na makapasok sa Dolomite Beach ang mga bat ana nag-eedad 12 anyos pababa.
Ito ay base na rin sa itinakdang guidelines ng Inter-Agency Task Force para sa COVID-19.
Matatandaang dinumog ng mga tao ang Dolomite Beach matapos buksan sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.