Mga mayor, kapitan pinag-iikot sa mga barangay ni Pangulong Duterte para kilalanin ang mga ayaw magpa-bakuna kontra COVID-19

By Chona Yu October 26, 2021 - 08:20 AM

 

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mayor at kapitan ng mga barangay na kilalanin kung sino pa sa kanilang mga residente ang hindi nababakunahan kontra COVID-19.

Ayon sa Pangulo, kailangang gawin ng lahat ng pamamaraan ng mga lokal na opisyal na mahimok ang mga indibidwal na ayaw magpabakuna.

Nagpapasalamat ang Pangulo sa Panginoon na bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Pangulo, dapat na gugulin ng mga mayor at kapitan kahit ang kalahating araw sa pag-iikot sa kanilang mga lugar para kausapin ang mga ayaw magpa-bakuna.

“Kaya wala naman tayong away dito sa bakuna, wala naman tayong away doon tayo sa sakit. Eh hindi man natin ito gusto. I’d like to appeal to the mayors and the barangay captains na magpasyal lang siya ng kalahating araw, tanungin niya kung sino pang hindi nabakunahan at sabihin niya na kung mayroong scheduled na bakuna, he will see to it na sabihin mo, “gusto kitang makita doon kasi maghahawa-hawa ka lang ng ibang tao kung ayaw mo,” pahayag ng Pangulo.

TAGS: COVID-19, kapitan, Mayor, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, COVID-19, kapitan, Mayor, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.