DepEd, dapat tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa face-to-face classes – Legarda
Humirit si dating Senador at Deputy Speaker Loren Legarda sa Department of Education (DepEd) na tiyakin ang kaligtasan ng mga guro at estudyante na mapapabilang sa face-to-face classes.
Sinabi ng mambabatas na mahalaga ang pagtutulungan ng mga opisyal at tauhan ng mga paaralan, DepEd, lokal na pamahalaan at magulang, lalo’t karamihan sa mga estudyante ay hindi pa bakunado.
Pagdidiin ni Legarda, dapat kalusugan at kaligtasan pa rin ng mga mag-aaral at guro ang prayoridad sa gitna ng pandemya.
Tinukoy na ng DepEd ang 90 paaralan na makakasama sa pilot implementation ng face-to-face classes sa November 15, 2021.
Sa ngayon, Kindergarten hanggang Grade 3, at technical-vocational programs sa Senior High Schools lamang ang kasama sa pilot run ng kagawaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.