Amihan, ITCZ nagpapaulan sa bansa; 2 bagyo sa labas ng PAR, tinututukan na rin

By Angellic Jordan October 25, 2021 - 07:13 PM

DOST PAGASA satellite image

Nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa ilang parte ng bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, patuloy itong magdadala ng maulap na kalangitan na may kasabay na mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Cagayan Vallery at sa Cordillera Administrative Region CAR).

Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang umiiral sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Magdadala aniya ang nasabing weather system ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region at Bulacan.

Samantala, dalawang bagyo ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ani Clauren, ang namataang tropical depression ay ang low pressure area (LPA) na nagmula sa Zamboanga at tumawid sa Palawan.

Palayo aniya ang pagkilos nito at walang direktang epekto sa kalupaan ng bansa.

Tinututukan din ng PAGASA ang tropical storm na huling namataan sa layong 1,745 kilometers Silangan ng Northern Luzon.

Inaasahan aniyang tatahakin ng bagyo ang direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran.

Hindi naman aniya inaasahang papasok sa loob ng teritoryo ng bansa at walang direktang epekto sa Pilipinas.

TAGS: amihan, InquirerNews, ITCZ, NortheastMonsoon, Pagasa, RadyoInquirerNews, weatherupdate, amihan, InquirerNews, ITCZ, NortheastMonsoon, Pagasa, RadyoInquirerNews, weatherupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.