PNoy inaming kinakausap niya pareho si Roxas at Poe

By Alvin Barcelona May 06, 2016 - 08:10 PM

mar pnoy poeInamin ni Pangulong Benigno Aquino III na may niluluto siyang plano para talunin ang presidential front runner na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam sa Parañaque, sinabi ng pangulo na kinakausap niya sina Liberal Party standard bearer Mar Roxas at independent presidentiable Grace Poe na magsanib puwersa para mapigilan ang panalo ni Duterte sa halalan.

Ayon sa pangulo, hawak ni Duterte ang 30 porsyento ng boto base sa mga survey pero kung magsasanib sina Poe at Roxas, magreresulta ito sa 40 porsyento ng mga botante na maaaring sapat na para talunin ang alkalde.

“Mayor Duterte has roughly 30 percent so that means he doesnt have the rest the 70 percent and in our democratic system it is the majority that decides for everybody. Therefore it behooves everybody to try to get together and ensure that instead of thinking of what shall we do if everything he says is exactly what he intends to do, why dont we remove that problem or threat or that insecurity by uniting the 70 and by beating the 30,” sinabi ng pangulo.

Ayon kay Pangulong Aquino, tatlong araw na niyang kinakausap si Roxas habang kagabi ay nagpalitan naman sila ng text messages ni Poe, pero nilinaw na ito ay inconclusive pa o wala pa silang pinal na napag-uusapan.

Ayon sa pangulo, responsibilidad ng lahat na magkaisa laban sa bantang dala ng isang Duterte presidency.

TAGS: grace poe, Mar Roxas, PNoy, grace poe, Mar Roxas, PNoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.