Sen. Win Gatchalian: Pagbenta ng Malampaya stakes ng Chevron sa Udenna, depektibo
Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na depektibo ang pagbenta ng Chevron Malampaya ng kanilang 45% stake sa Malampaya gas project sa Udenna Group ni Dennis Uy.
Nangangahulugan, ayon kay Gatchalian, walang bisa ang ginawang diumanoy pag-apruba ng Department of Energy (DOE) sa nangyaring bentahan.
Sinabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Energy na nakadagdag pa sa kalituhan ang pag-amin ng DOE na nakakalito ang nangyaring bentahan sa pagitan ng Chevron at Udenna.
Sa pagdinig sa Senado sa 2022 budget ng DOE, inamin ni Energy Sec. Alfonso Cusi na hindi inaprubahan ng kanyang tanggapan ang bentahan at ito ay ibinase lamang sa tinatawag na ‘farm in process’ na lang nagdulot lamang ng kalituhan.
“Nowhere in the documents that the DOE submitted can you find the argument of using the farm-in (rule). From day one, we were made to understand that this should be approved by the government and the process will follow PD 87 and DC 2007,” pagpupunto ni Gatchalian kay Cusi.
Iginiit ng senador na ang unang pahayag ng DOE at hindi na kailangan pang rebyuhin ang bentahan, ngunit kumambiyo ang kagawaran at inamin na naaprubahan ang transakyon gamit ang ibang pamamaraan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.