PNP hindi pabor sa Halloween parties at ‘trick or treat’ sa paggunita ng Undas

By Jan Escosio October 24, 2021 - 07:25 PM

 

 

Hinikayat ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang publiko na huwag muna magsagaw ang Halloween parties, maging ang kinagigiliwan ng mga bata na ‘trick or treat’ ngayon nalalapit na ang paggunita ng Undas.

 

Sinabi ni Eleazar na sapat ng dahilan ang COVID 19 para hindi muna isagawa ang mga nakasanayang aktibidad sa tuwing sasapit ang Undas.

 

Gayunpaman, maari naman itong gawin ng mga pamilya sa kanilang bahay para matiyak ang kaligtasan ng lahat.

 

“Batid ng inyong Philippine National Police ang mga nakaugaliang tradisyon tuwing nalalapit ang Undas gaya ng mga halloween party at trick or treat para sa mga bata at maaring magkalakas ng loob ang ilan sa atin dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa ating bansa,” sabi ng hepe ng pambansang pulisya.

 

Dagdag pa ni Eleazar ang hindi ligtas na ‘trick or treat’ ay maaring maging ‘trip to treatment’ sa ospital.

 

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na maari naman magsagawa ng Halloween parties at ‘trick or treat’ ngunit dapat ay limitahan lang ito sa mga miyembro ng pamilya at huwag mag-imbita ng ibang tao sa bahay.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.