May 60,957 COVID 19 active cases sa bansa, ayon sa Department of Health.
Ngayon araw nadagdagan ng 5,279 ang naitalang kaso sa bansa para sa kabuuang 2,756,923 simula noong nakaraang taon.
Sa mga aktibong kaso, 77.5 porsiyento ang mild, 6.1 porsiyento ang asymptomatic, 2.1 porsiyento ang critical, 5.1 porsiyento ang severe at 9.20 porsiyento ang moderate.
Karagdagang 7,312 pasyente naman ang gumaling na sa sakit para umangat sa 2,654,173 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober.
Samantala, may 208 ang nadagdag naman sa mga namatay para sa kabuuang 41,793.
May 154 na unang idineklarang gumaling ang napatunayan na namatay sa sakit.
May tinanggal din na 23 duplicates sa kabuuang bilang at 16 sa kanila ang gumaling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.