Bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba na sa 1,000 kada araw

By Chona Yu October 23, 2021 - 12:05 PM

Bumaba na sa 1,000 ang average number ng bagong COVID-19 na naitatala sa Metro Manila kadaa araw.

Ayon kay Doctor Guido David ng OCTA Research, ito na ang pinakamababang bilang simula noong July 22.

Sinabi pa ni David na nasa 47 percent na mas mababa ang kasalukuyang average number kumpara sa seven-day average  na naitala noong nakaraang linggo na nasa 1,762.

Samantala, bumaba ang reproduction number o hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila at pumalo sa 0.45.

Bumaba rin sa 7 percent ang positivity rate mula sa 10 percent noong nakaraang linggo.

Nabatid na ang kasalukuyang daily attack rate ay nasa 7.03 per 100,000 individuals kada araw.

 

 

TAGS: COVID-19, Doctor Guido David, Metro Manila, OCTA Research, COVID-19, Doctor Guido David, Metro Manila, OCTA Research

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.