COVID-19 vaccination sa mga menor de edad sa Manila umarangkada na
(Manila PIO)
Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Manila ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga menor de edad na mayroong comorbidities.
Mismong sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa vaccination sa Ospital ng Maynila Medical Center.
“Maaring nabakunahan na natin ang mga may edad, pero paano ‘yung mga bata? Wala namang science na nagpapatunay na hindi sila maiimpeksyon,” pahayag ni Mayor Isko.
“Kaya kailangan na talaga natin silang bakunahan. More than the protection that they’re going to get, ito ay para makabalik na sila sa eskwelahan,” dagdag ng alkalde.
Mismong si Lacuna na isang doktor ang nagturok ng bakuna sa mga menor de edad na nasa 12-17 anyos.
Ayon kay Mayor Isko, noon pang Setyembre naghanda ang lokal na pamahalaan sa pagbabakuna sa mga bata.
Nasa 23,354 na bakuna ang nakalaan para sa mga menor de edad.
Sa naturang bilang, 22,854 ang Pfizer at 500 ang Moderna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.