Disposal ng COVID-19 vaccines paraphernalia ipinapaasikaso ni Sen. Francis Tolentino sa DENR

By Jan Escosio October 22, 2021 - 09:08 AM

Senate PRIB photo

Inusisa ni Senator Francis Tolentino sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paraan ng pagtatapon ng mga gamit na ginagamit sa pagtuturok ng COVID-19 vaccines.

Ginawa ito ni Tolentino dahil sa mga banta ng hindi tamang pagtatapon ng mga vials, syringes at karayom na ginagamit sa pagturok ng vaccine.

“Lumalabas po na tatlong uri lang ito, una yung karayom, pangalawa yung heringilya, pangatlo po ‘yung maliit na bote na pinanggalingan ng bakuna, hindi po siguro ito magkakalahok kasi yung needle ay contaminated, lalong-lalo na ‘pag may saturated blood nung pasyente na tinurukan,” sabi ng senador.

Aniya wala pa siyang alam na treatment facility para sa mga ginamit na vaccine paraphernalia na ikinukunsidera na biomedical waste.

Sumagot naman si Usec. Benny Antiporda at sinabi na ang mga paraphernalia na nagmumula sa mga opsital ay inihihiwalay at ginagamitan ng mga kemikal bago dinadala sa treatment, storage and disposal (TSD) facility.

Ngunit pinagsabihan agad siya ni Sen. Cynthia Villar sa pagsasabing na karaniwang sa vaccination areas sa mga barangay ikinakasa ang pagtuturok ng COVID 19 vaccines.

Diin lang ni Tolentino kinakailangan na may malinaw na plano ang DENR sa tamang pagtatapon ng mga COVID 19 paraphernalia dahil titindi pa ang bakunahan sa mga darating na buwan.

TAGS: Francis Tolentino, syringes, vials, Francis Tolentino, syringes, vials

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.