Patuloy na umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Visayas, Palawan at Mindanao.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, asahang makararanas ng thunderstorms sa mga nabanggit na lugar, at maging sa timog at gitnang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila hanggang Huwebes ng gabi dahil sa nasabing weather system.
Sa bahagi naman ng Mindanao, mas malakas na pag-ulan ang mararanasan na posibleng magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Ani Rojas, may nabuong low pressure area (LPA) na nakapaloob sa ITCZ.
Huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 825 kilometers Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte bandang 3:00 ng hapon.
Kikilos ang LPA sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa mga susunod na araw.
Sa ngayon, sinabi ni Rojas na mababa pa ang tsansa na maging bagyo ang naturang sama ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.