Ombudsman kikilos pa rin sa mga reklamo sa mga taga-gobyerno, kandidato man o hindi

By Jan Escosio October 20, 2021 - 12:48 PM

Sa papalapit na eleksyon, tiniyak ni Ombudsman Samuel Martires na patuloy silang tatanggap at kikilos sa mga reklamo laban sa mga opisyal at kawani ng gobyerno kasama ang mga pribadong indibiduwal, kahit kandidato pa sila.

 

Ayon kay Martires hindi sila katulad ng ilang ahensiya, wala silang ‘special policy’ tuwing umiiral ang election period.

 

Paglilinaw pa niya, kandidato man o hindi ang inirereklamo ay pantay ang pagturing nila sa mga ito.

 

Nauna nang inihayag ng Commission on Audit na hindi na bubuo ng mga grupo na magsasagawa ng special audit base sa mga reklamo laban sa mga politiko na kakandidato sa 2022 elections.

 

Kadalasan, dumadami ang mga idinudulog na reklamo sa Ombudsman sa tuwing nalalapit ang eleksyon.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.