Pagsuspindi sa fuel excise tax hinihingi ng Energy Department
Dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo, hinihingi ng Department of Energy (DOE) ang kapangyarihan na suspindihin ang excise tax.
Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi uubra ito sa pag-amyenda sa Oil Deregulation Law.
“Just like when the Bayanihan Law was passed, there was a provision to suspend the implementation of the excise tax kung papalo ng over $80 per barrel in the world market. Nawala po ‘yun, dahil nag-expire ang Bayanihan Law,” sabi nito sa isang panayam sa telebisyon.
Kayat hirit ni Cusi kung maibabalik sa kanila ang nabanggit na kapangyarihan ay may paraan at dahilan na para maibsan ang epekto ng mataas na halaga ng langis sa mga konsyumer.
Sinabi rin nito, na ang patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong-petrolyo sa bansa ay nakadepende pa rin sa galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Ngunit aniya sa kanyang palagay ay hindi naman madadagdagan pa ng hanggang P7 ang bawat litro ng gasoline at krudo hanggang sa Kapaskuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.