Pangulong Duterte may hamon sa Senado sa isyu ng pagkaltas ng 2022 budget
Binuweltahan ni Pangulong Duterte ang mga senador sa pag-aakala na may mga nagbabanta na tatapyasan ang pondo ng ilang ahensiya ng gobyerno.
Batikos ni Pangulong Duterte pinahihirapan ng ilang senador ang mga opisyal ng mga ahensiya na hindi dumadalo sa mga pagdinig.
“You threaten the budgets of different agencies of the executive because the officials refuse to attend your hearings…They threaten to paralyze government. I challenge you: Do it…reduce the budget by one-third. Hinahamon ko kayo, gawain ninyo yan,” hamon nito.
Dagdag pa niya; “Mautak man kaya kayo. Eh ako, ordinaryo lang, 75. Pero kaya ng utak niyo, sige, I challenge you.”
Hinamon pa niya ang Senado na bigyan ng zero budget ang Office of the President.
“I-zero budget mo ang Office of the President. Sige nga. Bakit aabot ba yang pera ninyo kung hindi magdaan sa akin? Eh kung hindi ako mag-release?” sabi pa nito.
Nagsimula ang alingasngas ng Malakanyang at Senado nang unti-unting mabunyag sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga sinasabing anomalya sa mga naibigay na kontrata ng Budget Department sa Pharmally Pharmaceutical.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.