Lalaking nanakit sa nurse sa isang viral video, kakasuhan na

By Kathleen Betina Aenlle May 06, 2016 - 04:20 AM

 

Mike-Mushi-830x450Slight physical injury, oral defamation at slander by deed.

Ito ang mga kasong kakaharapin ng lalaking na-videohan na nangha-harass at nanakit pa ng babaeng kapwa pasahero sa UV express na patungong Caloocan.

Kusang inalok ng abogadong si Atty. Raymond Fortun ang kaniyang serbisyo nang libre sa nurse na nakita sa video na viral sa internet na minura, sinigawan at sinaktan ng lalaking nakilalang si John Michael Musni.

Dahil rin sa pagka-inis sa magaspang na ugali ni Musni, si Fortun na mismo ang lumapit sa babeng nagpakilala na lang sa pangalang Joan, para tulungan siyang magsampa ng kaso.

Ayon kay Fortun, masyadong maangas ang pasaherong si Musni na sa ngayon ay tila nasasarapan pa sa kasikatang natatamasa niya sa social media.

Minumura pa aniya nito ang mga netizens na bumabanat sa pagiging marahas niya.

Isasampa na ang kaso laban kay Musni sa Quezon City Prosecutor’s Office mamayang hapon, bagaman hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahahanap.

Samantala, wala namang balak si Joan na makipag-areglo kay Musni na sinuntok siya sa balikat, kahit pa aniya maglabas ito ng public apology.

Bukod sa pagsasampa ng kaso, hihingan rin si Musni ng danyos na nagkakahalagang P3 milyon dahil sa trauma na idinulot niya kay Joan.

Ipapatawag naman ng Land Transportation Regulatory and Franchising Board ang driver ng UV Express na maari ring tumestigo sa kaso ni Joan. Hihingan ng LTFRB ng paliwanag ang driver kung bakit hindi sinubukanga awatin si Musni lalo’t nagsasanhi na ito ng gulo sa kaniyang sasakyan at nakapanakit pa ng kapwa nito pasahero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.