EU, planong multahan ang mga bansang ayaw tumanggap ng migrants
Suportado ng Italy ang isang panukala ng mga opisyal ng European Union (EU) na multahan ang mga bansang ayaw tumanggap ng mga migrants.
Iminungkahi ng European Commision na ang mga bansang tatangging tumanggap ng mga migrants ay dapat multahan ng 250,000 euros o $287,000 kada taong hindi nila papapasukin sa kanilang teritoryo.
Ayon kay undersecretary for European Affairs Sandro Gozi, buo ang suporta ng Italy sa nasabing panukala.
Hindi kasi aniya katanggap-tanggap ang ginagawa ng ibang mga bansa na hindi pagpapapasok ng mga asylum-seekers sa kanilang teritoryo na nakatakdang i-relocate mula Italy, Greece at Hungary.
Halos 600 pa lang sa 40,000 na migrants na dapat ilipat sa ibang EU countries mula sa Italy ang matagumpay na naililipat simula noong October.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.