DOTr, itinutulak na madagdagan ang passenger capacity sa PUVs

By Angellic Jordan October 18, 2021 - 09:52 PM

DOTr Facebook photo

Irerekomenda ng Department of Transportation (DOTr) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na dagdagan ang passenger capacity sa public utility vehicles (PUVs).

Kasunod ito ng pagbaba ng quarantine status ng National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3.

“Irerekomenda po ng Kagawaran ng Transportasyon ang pagtaas ng passenger capacity sa ating mga PUVs to cope up with the increased number of individuals using public transport due to the imposition of a more relaxed quarantine status,” pahayag ni DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Steve Pastor.

Aniya, makatutulong ang pagdadagdag ng PUV passenger capacity sa mga commuter at maging sa PUV drivers at operators.

Sa ngayon, nasa 50 porsyento ang maximum capacity sa PUVs alinsunod sa itinalagang health and safety protocols ng IATF.

“Tinitignan natin na magtaas ng seating capacity sa public transportation. Bilang tugon sa lumalaking gastusin sa day-to-day operations ng ating operators, and at the same time, this will also address yung matagal na hinihiling ng ating mga kasamahan sa business sector na dapat mas mapalago ang economic activities. We can contribute to that through an increase in public transportation, and their capacity,” ani Pastor.

Dagdag nito, “Nais po naming bigyang diin yung guidance ni Secretary Art Tugade na dapat po balansehin natin ang pangangailangan ng ating mga drivers, ‘yung pangagailangan ng ating mga operators kumpara sa kakayanan ng ating mga pasahero ngayong pandemya. Maalala natin na karamihan sa ating mga kababayan ay nahinto sa trabaho, yung iba naman ay babalik pa lamang sa trabaho because of the Level 3 status dito sa NCR.”

Tiniyak nito na ang irerekomendang dagdag na PUV passenger capacity ay ibabase sa technical at medical studies.

Kasunod ng direktiba ni Transportation Secretary Tugade, ikokonsidera rin ng kagawaran ang safety protocols sa local government units.

Sa ngayon, sinabi ni Pastor na patuloy na tututukan ng DOTr ang passenger capacity sa PUVs sa gitna ng pandemya.

TAGS: ArtTugade, DOTrPH, InquirerNews, PUVpassengercapacity, RadyoInquirerNews, ArtTugade, DOTrPH, InquirerNews, PUVpassengercapacity, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.