DA tiniyak na sapat ang suplay ng mga produktong-agrikultural
Sa kabila na umabot sa P2.1 bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Maring sa sektor ng agrikultura sa Luzon at Visayas, tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar na sapat ang suplay ng mga produkto.
Ayon kay Dar, maari namang punuan ang mga napinsalang produkto ng mga tanim mula sa ibang probinsiya na hindi nasalanta ng nagdaang bagyo.
“We’ll mobilize more of these products na hindi badly affected gaya ng vegetables and fruits, this will come from other provinces not affected by typhoon. It will be good enough to handle itong na-damage,” sabi pa ng kalihim.
Sa ulat sa kagawaran, malaking pinsala ang idinulot sa Regions 1, 2, 3, 4-B, 5, 6 at 12 gayundin sa Cordillera Administrative Region.
Karamihan din sa mga napinsala ay mga palay at mais.
Sinabi ni Dar na maari namang magpadala ng mga produktong-agrikultura mula sa ibang lalawigan sa Metro Manila, CALABARZON, gayundin sa Bulacan, Pampanga at Bataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.