Raffy Tulfo, 5 reelectionist senators pasok sa ‘Magic 12’

By Jan Escosio October 15, 2021 - 06:33 PM

Pinili ng maraming Filipino si broadcast journalist Raffy Tulfo sa hanay ng mga kandidato sa pagka-senador sa 2022 elections, base sa Social Weather Station (SWS) survey.

Sa survey, 57 porsiyento ng 1,200 respondents ang pinili si Tulfo at sinundan siya ng mga dating senador na sina Francis Escudero at Loren Legarda, gayundin ni dating DPWH Sec. Mark Villar, na pawang nakakuha ng 41 porsiyento.

Pang-lima si dating Sen. Allan Peter Cayetano (38 porsyento), kasunod sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri (34 porsyento) at dating Sen. Jinggoy Estrada (29 porsyento).

Pang-walo pa si Sen. Francis Pangilinan (28 porsyento), na kakandidato na sa pagka-bise presidente ni Vice President Leni Robredo.

Ang comedian-TV host na si Willie Revillame at Sen. Risa Hontiveros ay kapwa nakakuha ng 25 posriyento para sa pang-siyam at pang-10 puwesto.

Kinumpleto ang ‘Magic 12’ nina Sens. Sherwin Gatchalian at Richard Gordon na kapwa nakakuha ng 12 porsiyento ng mga boto.

TAGS: 2022elections, InquirerNews, Pilipinas, RadyoInquirerNews, SWS, 2022elections, InquirerNews, Pilipinas, RadyoInquirerNews, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.