DAR namahagi ng lupa sa pamamagitan ng Serbisyong DAR-to-Door
(DAR photo)
Namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng 4.49 ektaryang lupang agrikultural sa apat na agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Barangay Diniog at Manggitahan, Dilasag, Aurora sa pamamagitan ng programang Serbisyong DAR-to-Door.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Joyce Ramones, kabilang sa mga nabigyan ng lupa si Ledina Dugo.
“Lubos ang aming pasasalamat sa pagbibigay sa amin ng titulo sa aming mga lupa na matagal naming hinintay,” ayon kay a Dugon a nakatanggap ng Certificate of Landownership Award (CLOA).
Si Dugo isa sa apat (4) ARBs sa Barangay Diniog at Manggitahan Dilasag, Aurora, na tumanggap ng kanyang titulo na may sukat na 1.3238 ektarya sa pamamagitan ng programang Serbisyong DAR-to-Door ng DAR. Ang tatlong (3) iba pang ARBs ay sina Marcelino Dugo, Jose Dadaan at Betty Camiling.
Ang Serbisyong DAR-to-Door ay isang programa ng kagawaran kung saan personal na inihahatid ng mga opisyal at empleyado ng DAR ang mga CLOA sa mismong sakahan o pamamahay ng mga magsasakang tatanggap ng lupa.
Nilalayon ng programa na paigtingin ang paghahatid ng Certificate of Land Ownership Award (CLOAs) upang palakasin ang kumpiyansa ng mga ARBs dahil magiging pagmamay-ari na nila ang lupang kanilang sinasaka.
“Andito na po ang mga CLOAs ninyo, bilang tanda ng tunay na pagmamay-ari ng inyong mga lupang sinasaka. Pagyamanin ninyo po ito para sa inyong pamilya,” ani Ramones.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.