Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong nakaraang buwan ng Agosto.
Sa datos, mula sa 6.87 porsiyento noong Hulyo, umangat sa 8.07 porsiyento ang unemployment rate sa bansa.
Ngunit ayon sa Department of Finance, noong Agosto halos 2.6 milyong trabaho ang naibalik at 1.9 milyon sa mga ito ay sa sektor ng agrikultura.
Ang labor participation rate naman noong Agosto ay bumuti sa 63.64 porsiyento mula sa 59.81 porsiyento noong Hulyo.
Nabatid naman na sa 3.376 milyon na naghanap ng trabaho noong Agosto halos 800,000 ang nabigo.
Samantala ang underemployment rate noong Agosto ay bumaba sa 14.65 porsiyento mula sa 20.86 porsiyento noong Hulyo.
Ayon pa rin sa DOF, malaki ang naging epekto ng banta ng Delta variant ng COVID 19 sa ekonomiya sa pangkalahatan, partikular naman sa trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.