124 magsasaka sa Davao del Sur nabiyayaan ng solar-powered irrigation system

By Jan Escosio October 14, 2021 - 08:39 AM

DAR PHOTO

Binigyan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng isang solar-powered irrigation system na nagkakahalaga ng P800,000 ang 124 miyembro ng Gamang Farmers Workers Association (GLAFAWA) sa Magsaysay, Davao del Sur.

 

Ayon kay DAR Davao del Sur Provincial Agrarian Reform Program Officer II Terso  Gregorio, Sr. makatutulong ang irigasyon sa problema sa tubig ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) para madagdagan ang kanilang kita at bumuti ang pamumuhay.

 

“Bilang bahagi ng pagsisikap at mandato ng kagawaran na matulungan ang mga agrarian reform beneficiaries na maging matatag sa pandaigdigang isyu ng pagbabago ng klima, ang SPIS at rainwater collector ay itinayo sa ilalim ng Climate Resilient at Farm Productivity Support Program (CRFPSP),” ayon kay Gregorio.

 

Nabatid na ang SPIS ay may anim (6) na solar-powered module na makapagtataas ng tubig mula sa isang mapagkukunang balon at magbibigay ng karagdagang patubig na kinakailangan ng mga magsasaka upang madagdagan ang kanilang ani.

 

“Ang pagtatayo ng rainwater collector na nangongolekta at nag-iipon ng tubig ulan para sa irigasyon at iba`t ibang layunin ay maaaring linisin upang gawing inuming tubig,” paliwanag ng opisyal.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.