50 percent ng populasyon ng Pilipinas, kaya nang bakunahan kontra COVID-19 bago mag-Pasko
Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging masaya na ang Pasko sa taong 2021 kahit may pandemya pa sa COVID-19.
Ayon sa Pangulo, malaki kasi ang tsansa na mabakunahan na ang 50 percent o kalahati ng kabuuang 109 milyong populasyon sa Pilipinas bago mag-Pasko sa 2021.
Sa ngayon, nasa 50 milyong katao na ang nabakunahan kontra COVID-19.
Sa naturang bilang, 23 milyon ang fully vaccinated.
Sa Metro Manila, 77 percent o 7.5 milyon na ang fully vaccinated.
Kaya pakiusap ng Pangulo, para maging masaya ang Pasko sa taong 2021, magpabakuna na.
Sa October 15, aarangkada na ang pagbabakuna sa mga bata na nag-eedad 12 hanggang 17-anyos.
Gagawin ang pilot run ng pagbabakuna sa mga bata sa Metro Manila.
Ito ay sa National Children’s Hospital; Philippine Heart Center; Fe Del Mundo Medical Center; Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City; Pasig City Children’s Hospital; Philippine General Hospital; Makati Medical Center; at St. Luke’s Medical Center sa Taguig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.